Kildemol feat. BLKD

from IKUGAN [mini​-​album] by Calix

/

lyrics

[Chorus]
Kill them all x 3
walang tira lahat ay maliligo sa dugo

[Calix]
Walang nakikinig, pagod na yung mga lumaban
tuloy parin ang pag kitil parang walang hangganan
hagdan-hagdan na yung bangkay abot hanggang palasyo
na nga-ngamoy bangkay sa kada pag liko sa kanto

Naging normal nalang sa iba ang pulang mantsa
mga pangarap na tumilamsik nalamang sa bangketa
Sila-sila nalang ang protektado ng gobyerno
Nasa-kanila na lahat di pasapat kukunin din yung sayo

Isipin mo nga, malaya ka ba talaga? huh?
Isipin mo nga, dinaya ka lang ba nila? huh?
Isipin mo nga kung kaya nila gawin iyon
hindi ba kasama ka rin pagka't
mamamayan ka rin naman ng pilipinas na pinipilas
at dinudugas ng mga ahas
kaliwa't kanan, baba at taas
di ka na makawala kahit anong piglas
Mga buhay ng katulad natin ay laruan
Pag nagsawa na sila itcha nalang sa tapunan

[Chorus]
Kill them all x 3
walang tira lahat ay maliligo sa dugo

[Calix]
Eh ano ngayon wala naman silang pake?
Hindi sila kasama sa mga inaape
Lalaban lang sila kapag hindi na makauber
O pag inaatake na yung paboritong blogger

Ika'y kumayod para sa katiting kaya't gutom parin
Sila'y bayad gamit ang buwis ngunit ika'y gutom padin
Nagtataka ka pa kung bat sila walang pake
Basta't may libreng wifi, at may tang inang kape

Kinalumutan na yung kagaguhan ng mga coujanco
Kasi mabuting ina daw yung puke ni kris acquino
Okay lang ba magutom yung iba basta hindi nakakahiya
yung jeepning pakarag-karag tulad ng gobyerno natin?
putang ina

Yung mga binoto nyo mas adik pa sa akin
fenta-fenta-fenta-fentanyl pa pre 2x

[Chorus]
Kill them all x 3
walang tira lahat ay maliligo sa dugo

[BLKD]
Iilang pangalan, iisang galawan
Salitan lang sa trono ang mga maangmaangan
Masabi lang na may demorasya pa sa bayan
Magkakampi kahapon, bukas magkalaban

At sa makalawa, chummy-chummy na naman
Ang mahalaga, chubbyng-chubby ang kaban
Nagdadrama-dramahan, nagtapang-tapangan
Taumbayan naman ang tinatapak-tapakan

Bang! Bangkay sa kanan at kaliwa
Bang! Bang! Bangkay na panay maralita
Mga adik, skwater, magbubukid
Tinotokhang sa daang matuwid

Partido padrino, paparty-party lang
Kapangyariha'y pinagpaparte-partehan
Sistema ang kalaban mapalit man ng mukha
Rebolusyon ang solusyon ng masang dukha

[Chorus]
Kill them all x 3
walang tira lahat ay maliligo sa dugo

credits

from IKUGAN [mini​-​album], released May 31, 2018
Track 4 : Kildemol
Written By: Calix, BLKD
Produced By: Serena DC
Arranged By: Calix, Serena DC

license

all rights reserved

tags

about

Calix Taguig, Philippines

contact / help

Contact Calix

Streaming and
Download help

Report this track or account