We’ve updated our Terms of Use to reflect our new entity name and address. You can review the changes here.
We’ve updated our Terms of Use. You can review the changes here.

IKUGAN [mini​-​album]

by Calix

/
  • Streaming + Download

    Includes unlimited streaming via the free Bandcamp app, plus high-quality download in MP3, FLAC and more.
    Purchasable with gift card

      $12 USD  or more

     

1.
Amanamin 02:48
Palagi mong sinasabi na binigay mo na lahat Pero bakit marami sa amin ang kinakain ay palaging di pa sapat? Pinagsamang mga palad para ika'y maka-usap ang hiling ng mga tulad ko, di yumao ng dilat sa pagkat ang dami kong pangarap na sinabi ko sayo pero di ka kumurap (fuck) Palagi mong sinasabi na lagi ka lang nandyan Pinag-mamasdan ang aking galawan handang manita kapag nakita'y kalokohan Pero di ka umimik noong patalim ginilit dahan dahan ang aking leeg Ngumingiyaw paraang biik pero ika'y tahimik Dyos ko (dyos ko) di ba 'rinig sa langit? Wala kang pake, aminin mo nalang Ang daming mong sinabi, panay ka panloloko Ibang klase ang karakas ng poong maykapal Pag dasal mo nalang, espiritong de halang Dakilang bulag nag-babanal banalan Binabase ka ng tupa mo sa bagay nahindi alam Pero sa araw-araw tandaan na merong bagong nalalaman Laban, ang pagiging ignorante ay kahinaan Kaya pang lunasan, kung nasan ang problema dapat kumilos ng mabilisan Para maagapan ang pagkalat ng tumor ibahin mo na ngayon Ang iilan sa amin ay di na papaloko sa huwad na santo na katulad mo Palagi mong sinasabi na ika'y mapagmahal Sinakripisyo ang lahat para sa kabutihan ng buong sanlibutan Pero bakit parang di mo nakikitang nag hihirap karamihan sa iyong mga likha, pinabayaan mo na ba? Nahuhumaling ang ilan sa mga pangakong alam na natin na puros kahibangan Palagi mong sinasabi na kami'y maliligtas Sa init ng impyerno basta ba sunod sunuran sigurado ang kaluluwa'y hindi malalabnas Sa apoy ng galit sa aming mga mortal Puta, sabi mo sa amin na ika'y mapagmahal? Pero bakit sa konting pagkakamali, ikaw ay nagagalit, diyos kong matampuhin, bakit samin nasisi ? Sabihan mo sila, wag nila ipilit sa akin Paniniwala mong baliktad, di ko kayang lunukin Pagbigyan mo na mamili yung iba, wag mo nga lokohin Mga banal na may utak kriminal, tapos kayo sa akin Gagamitin kong punyal ang krus na sinasamba nila Saksak sa bunganga dahandahan hihilahin pababa hanggang bumuka ang katawan Tanggalin ang laman loob, hanggang malinis, at ito'y isusuot haharapin ang iyong mga tagasunod at sasabihing "ako na ang bagong diyos nyo"
2.
[Chorus] Kahit gano ka kalapit sa liwanag na natatamo madilim parin ang 'yong sasapitin Kahit gano mo patamisin ang mga salita hindi mo mapipilit na kami'y patikimin Kahit gano mo pabanguhin ang iyong pangalan aalingasaw din ang yong panghi (Kaya) hindi kami ang biktima mo! Hindi kami ang biktima mo! [Calix] Libo-libong mga mata lahat ng ito sayo ngayon ay nakatingin at nakatingala (bakit ganun?) Bakit di mo masabi kung ano ba ang dapat na gawin sa mga patapon na buhay nila Ikaw na ang naka-upo pero bat ganon nag-mimistula na ikaw pa ang takot at ligaw na sumayaw, na gumalaw, sa panahon na to walang silbi ang mga pahapyaw (duwag) [JamySykes] Takip-mata, tenga, bibig naka-kabig ang dibdib Palayo sa mga ngangailangan ng pansin Parating na nga ba takip-silim? Para sa mga dinadaing o tuloy parin? Ang paghihirap, at paghahagilap ng mga kasagutan para saming pakiusap Pero para pa saan? Ang pagtitiis? Kung sa paglapit namin sayo ay kusa ka naman na lumilihis? [Calix] Eh ngayon ano ba ang silbi? Isa ka rin pala sa mga madumi? Eh ngayon ano ba ang silbi? Kung numero lang ang tingin mo sa amin Eh ngayon ano ba ang silbi? Isa ka rin pala sa mga madumi? Eh ngayon ano ba ang silbi? Kung pagkatapos ng lahat itatapon din kami? [JamySykes] Bakit ko kailangan lumuhod? Di naman ako naniniwala Bakit ko kailangan sumunod? Di ko naman gusto na sumama Kahit ano pang piliing daan, iisa lamang ang pupuntahan Wag mo sanang ikagulat kung matagpuan mo ako sayong kalalabasan [Chorus] Kahit gano ka kalapit sa liwanag na natatamo madilim parin ang 'yong sasapitin Kahit gano mo patamisin ang mga salita hindi mo mapipilit na kami'y patikimin Kahit gano mo pabanguhin ang iyong pangalan aalingasaw din ang yong panghi Kaya, hindi kami ang biktima mo! Hindi kami ang biktima mo! [JamySykes] Dugo na sinlamig ng semento sa sahig ang dumadaloy sayong litid at nakalakip Na dapat mapatid para wala ng mamimilit na kami'y kumilos sa bawat pagpihit Balewala na ang mga maskarang suot, bawat kakulangan napupuno na ng poot Mapagbigay kuno pero puro lamang abot. Ilang ulit tinanong, wala paring mga sagot Lahat ay huwad at walang totoo, sa bawat panuto may panguuto Walang ibang makita sa kanilang harapan, mga dapat na nagsisilbi'y pinagsisilbihan Ninanakawan na't lahat gusto parin makamayan, ilang beses nang nahuli pero pinakawalan Mga katauhan nila di mapangatawanan, nakakasawa nang mabuhay sa puro katangahan [Calix] Tumingin, tanungin, gagawin mo ba? O inuuna mo muna ang pag-sasalita? Alamin ang salarin, kelan ba darating? Nasan na banda ang mabuting balita? Mas importante bang mag bigay pugay muna sa katulad mo bakit di ka magkusa? Mga huwad na tala na nag bibigay kinang, mga hibang hindi naman namin kayo kilala Sino ka ba? Bakit para samin ika'y rume-representa? Kung ang kumikilos lang sayo bunganga, ngayon palang ay tumigil ka na Pagka't hindi kami nandito para lang maging medalyon mo, wag ka maging ipokrito lahat kami alisto sa mga ka-uri mo, pare-pareho lang kayong mga gago Eh ngayon ano ba ang silbi? Isa ka rin pala sa mga madumi? Eh ngayon ano ba ang silbi? Kung numero lang ang tingin mo sa amin Eh ngayon ano ba ang silbi? Isa ka rin pala sa mga madumi? Eh ngayon ano ba ang silbi? Kung pagkatapos ng lahat itatapon din kami? [Chorus] Kahit gano ka kalapit sa liwanag na natatamo madilim parin ang 'yong sasapitin Kahit gano mo patamisin ang mga salita hindi mo mapipilit na kami'y patikimin Kahit gano mo pabanguhin ang iyong pangalan aalingasaw din ang yong panghi (Kaya) hindi kami ang biktima mo! Hindi kami ang biktima mo!
3.
Manilab 03:00
[Chorus] Sunugin na natin! (Sistema na dahilan ng paghihirap) Sunugin na natin (Lugar na nabalot ng karahasan) Sunugin mo na, matitira Lahat nang sa simula 'di na tinag Pabagsakin na ang pinag-mumulan ng lahat ng sakit at paghihirap Ang makina na nag-babagong anyo katumbas ng laman ng kokote nyo Pilit nila tayong binobobo habang sila nama'y uupo sa trono Mga putang ina nila Papayag ba tayong na maging alipin nalang? Mga putang ina nila Papayag ba tayong sa buhay kontento nalang? Sa ilusyong komportable kuno Kadena sa bisig ng makamundong yaman habang tayo'y nakakulong sa sistemang bulok, sa sistemang ulol [Chorus] Sunugin na natin! (Sistema na dahilan ng paghihirap) Sunugin na natin (Lugar na nabalot ng karahasan) Sunugin na natin! (Sunugin na natin 'to) Hahanapan mo ba ng pag-asa ang bansang ito? Pinaglaban mo na, dehado ka pa pinagdanakan mo na ng dugo pagkatapos kapalit ang leeg na ginilit dahandahang binili ang mga ngiti nawalan na ng silbi mga pisi ng pag-asa'y napigti napigti napigti Pinili nyo lang bang magbulag-bulagan sa mga nangyari? Porket hindi kayo apektado, satingin nyo ba hindi kayo kasali? Pag oras na ng barilan sa tingin nyo ba hindi kayo tatablan ng tinggang nakatutok sa inyong katawan dahan-dahang hahatakin ka sa kawalan Buhusan mo na, sindihan mo na nang matapos na 'to Tupukin na ng apoy ang bansang nagpapahirap sayo Kahit anong sikap, di natin ramdam ang pagbabago Tara na't burahin ang pilipinas sa mapa ng mundo [Chorus] Sunugin na natin! (Sistema na dahilan ng paghihirap) Sunugin na natin (Lugar na nabalot ng karahasan) Sunugin na natin! (Sunugin na natin 'to)
4.
[Chorus] Kill them all x 3 walang tira lahat ay maliligo sa dugo [Calix] Walang nakikinig, pagod na yung mga lumaban tuloy parin ang pag kitil parang walang hangganan hagdan-hagdan na yung bangkay abot hanggang palasyo na nga-ngamoy bangkay sa kada pag liko sa kanto Naging normal nalang sa iba ang pulang mantsa mga pangarap na tumilamsik nalamang sa bangketa Sila-sila nalang ang protektado ng gobyerno Nasa-kanila na lahat di pasapat kukunin din yung sayo Isipin mo nga, malaya ka ba talaga? huh? Isipin mo nga, dinaya ka lang ba nila? huh? Isipin mo nga kung kaya nila gawin iyon hindi ba kasama ka rin pagka't mamamayan ka rin naman ng pilipinas na pinipilas at dinudugas ng mga ahas kaliwa't kanan, baba at taas di ka na makawala kahit anong piglas Mga buhay ng katulad natin ay laruan Pag nagsawa na sila itcha nalang sa tapunan [Chorus] Kill them all x 3 walang tira lahat ay maliligo sa dugo [Calix] Eh ano ngayon wala naman silang pake? Hindi sila kasama sa mga inaape Lalaban lang sila kapag hindi na makauber O pag inaatake na yung paboritong blogger Ika'y kumayod para sa katiting kaya't gutom parin Sila'y bayad gamit ang buwis ngunit ika'y gutom padin Nagtataka ka pa kung bat sila walang pake Basta't may libreng wifi, at may tang inang kape Kinalumutan na yung kagaguhan ng mga coujanco Kasi mabuting ina daw yung puke ni kris acquino Okay lang ba magutom yung iba basta hindi nakakahiya yung jeepning pakarag-karag tulad ng gobyerno natin? putang ina Yung mga binoto nyo mas adik pa sa akin fenta-fenta-fenta-fentanyl pa pre 2x [Chorus] Kill them all x 3 walang tira lahat ay maliligo sa dugo [BLKD] Iilang pangalan, iisang galawan Salitan lang sa trono ang mga maangmaangan Masabi lang na may demorasya pa sa bayan Magkakampi kahapon, bukas magkalaban At sa makalawa, chummy-chummy na naman Ang mahalaga, chubbyng-chubby ang kaban Nagdadrama-dramahan, nagtapang-tapangan Taumbayan naman ang tinatapak-tapakan Bang! Bangkay sa kanan at kaliwa Bang! Bang! Bangkay na panay maralita Mga adik, skwater, magbubukid Tinotokhang sa daang matuwid Partido padrino, paparty-party lang Kapangyariha'y pinagpaparte-partehan Sistema ang kalaban mapalit man ng mukha Rebolusyon ang solusyon ng masang dukha [Chorus] Kill them all x 3 walang tira lahat ay maliligo sa dugo
5.
Caligula 02:49
Mga lintang nag babalat kayo, di bibitaw gang maubos ang dugo mo Di bibitaw gang makuha ang lahat sayo (Mga parasitiko) Suot nila ang salitang kaibigan. Bubulungan, lalasunin ang isipan Akala mo parte ka na ng kapatiran, tignan mo pag inalog ang salaan Isa-isa lahat sila ay nahuhulog. Pagka sindi ng mitsa, mga tulay agad nasunog Mas masakit pa sa pag-kain ng bubog, tila ba sinaksak ka sa pagkatulog Kay sakit isipin na akala mo nakahanap ka ng kakampi sa giyera na 'to Pero oras na susugod ka't sa linya mauna, baril nila ay nakatutok na sa likod mo Mga putang ina nyo, sana di nalang kayo sumama Sanay ako mag isa, wag nyo na ako bigyan ng pagasa Ramdam ko ang iyong pasan, pero yung akin ba iyong naramdaman? Nung kinuha mo mulang bisig ko ang mundo, natuwa ka bang ako'y pagtawanan? Nag panggap na liwanag apoy mula sa nasusunog na bangkay ni Hudas Isang pagkakamali, na hindi ko na amoy ng paguugali mo, hudas Pag-babayarin kita balang araw, kaya ko naman mag hintay Patataasin ang interes, magugulat ka nalang its pay back time Ito'y banta sa katulad mo Siguraduhin mong lumayo Kung noon ika'y naka lusot mag-isip ka na ngayon
6.
PASAWAY Sige na nga (Sige na nga) Inaamin ko na nahulog din ako sa iyo Mga pag tanggi ay binabawi ko Di naman kasi ako sanay dito, mas gusto ko yung katuwaan lang Ayoko nang lahat ng bagay ng ginagawa ko seryoso, pag masyadong iniisip sumasakit ang ulo Ko, inunahan mo ako sa sarili kong laro (ako'y nadaigan mo) Di ko akalain na ako rin ang maiisahan (sa sarili kong laro) Ngayon ako'y pa-iko't lang sa iyong palad Di ko akalain na magugustuhan Di ko akalain na magugustuhan [Chorus] Na ako'y na bihag mo, sa iyo na ang puso ko tatanggapin ang pagka talo, pagka't hindi ko rin naman matago 2x Kahit anong tanggi ang gawin, walang silbi Kapag sinabi mo sa akin na lumapit sa iyong bibig Kapag sinabi mo na sa iyo lang makinig tiyak na ikaw lang iintindihin Ako'y bilib kung pano mo baliktarin ang sitwasyon sa pag-bigay mo ng pansin, ako'y biglang nag disisyon sa galing mong sumabay na unahan mo ako di ko na inisip, sasakit lang ang ulo Bakit parang alam mo nang ikaw ang mananalo? Ganun ba kadaling basahin ang mga baraha ko? Nauubusan na ng piyesa sa tablero pero mukhang hindi parin titigil ang laro Panay parin sa tira, panay parin sa ilag Habulan lang ng puntos, habulan gang mataya Alam ko rin naman na sa huli ako ang talo Di na iisipin, sasakit lang ang ulo Ko, inunahan mo ako sa sarili kong laro (ako'y nadaigan mo) Di ko akalain na ako rin ang maiisahan (sa sarili kong laro) Ngayon ako'y pa-iko't lang sa iyong palad Di ko akalain na magugustuhan Di ko akalain na magugustuhan [Chorus] Na ako'y na bihag mo, sa iyo na ang puso ko tatanggapin ang pagka talo, pagka't hindi ko rin naman matago 2x [Bridge] Minsan lito, hindi ko rin inisip na magkakaganito Kahit na subukan ko makatakas sa galamay ng iyong pag-tingin hindi ko rin mapigilang sumunod sa kada pag-ngiti mo Ito ba ang sagot na matagal ko na hinihingi sa mundo Hindi makapaniwala na pinili mo ako (makapaniwala) [Chorus] Na ako'y na bihag mo, sa iyo na ang puso ko tatanggapin ang pagka talo, pagka't hindi ko rin naman matago ------ HOLIC [Chorus] Hindi ko na ma-buksan ang mata Pero kung ano-ano ang nakikita Kahit ilang bote ang itumba Ikaw parin ang tangi kong pinapangarap Nagbabaga ang dibdib sa kada tagay mo ng gin Sa kada shot ako'y bitin, sa mga tawa at ngiti Hindi ko na alam kung ano yung alak Sa kada pagtikim ako'y napapahawak Ng mahigpit, sa aking pusong napaikot mo gravity lock, ikaw yung araw at ako yung mundo Walang nagrereklamo, girl, tagay lang ng tagay Wag kang mag-alalang maubos, ako ang aalalay Di na kailangan ng chaser, Shot tas halik to be closer A goddess no other, I praise her Kahit lasing, I can find her Kahit pa beer, kahit pa gin, kahit pa whiskey Kahit saan, kahit bangketa basta't you can drink with me At ngayon ako'y basag di makbuksan ang mata Ako'y takot matulog at sa panigin ikaw ay mawala Pagka't alam ko rin sa pagising ko'y maglalaho ka Isang ilusyon na sa pagbukas lang ng bote nag papakita [Break] Tagay lang tagay hanggang makapiling ka 2x [Chorus] Hindi ko na ma buksan ang mata Pero kung ano-ano ang nakikita Kahit ilang bote ang itumba Ikaw parin ang tangi kong pinapangarap
7.
Nag simula ang pagtingin, sa pagsilip sa computer screen Ako'y napaisip, sabi sa sarili, ika'y magiging akin din, ako'y nag message pa-hapyaw pumuri, baka ika'y matunaw pusong matigas baka pwedeng malusaw Sana mag reply, baka ako'y magunaw Aking kalamnan tulyan nang napukaw ng kagandahan mong talagang tumatagos gabi-gabi nalang ang hininga kinakapos sa kakatitig ko sayo hindi ko na batid kahit lapnos ang aking kanang palad kaka-kayod ko para sayo nagiipon para pasayahin ka, sagot ko na basta naka-ngiti ka Pero alam ko na wala ka ngang idea, na gustong-gusto kita (kaya) kada-post mo ng iyong letrato, ako'y sumasaya habang hinahaplos iyong mukha sa salamin ng aking telepono, kelan papansin ang katulad ko? Kelan sasagutin ang mensahe ko? kelan mo makikita na ako ay tao? Kelan pa ba ako titigil kakatanong sa sarili ko "haaaay sino ba ako?" Alam ko naman, na wala akong bilang sa iyong mundo Gusto ko lang na malaman mo, ramdam ko ang iyong pasan at ako ay katulad mo pinabayaan din ng mundo Alam ko rin nam an na di kita mapilit pagka't ganito ang itsura ko [Chorus] Ang alamat ng talunan x4 Nakikita ko sayo ang sakit na aking pinagdaraanan Ang hinagpis ng inahas, kamandag na gumagapang pa sa iyong kalamnan Hindi mo ma-wari kung paano ka ginanyan, binigay mo naman ang lahat Hindi mo na nga tinirhan ang sarili, iniwan ka pa na wala kang alam Pasang tumagos pisikal espiritual, inalay mo lahat pati na ang iyong dangal Inuka sa iyong dibdib, ang kawalan. Pero bakit mabigat, di ba dapat gumaan? Ngayon ika'y nagiisa na katulad ko, bigla nalang ligaw sa lawak ng mundo Kaya ito ako ngayon, nilalapit ko ang aking kamay para kapitan mo Nabalitaan ko bigla, na sya ay nag balik. nakapaskil agad letrato nyong nag hahalikan Sa magara na hotel pa nyong napag-isipang makipagbalikan (malamang sabay kantutan) Pero bakit nakikita ko sa post mo ngayon, di naman nag bago Ganun parin, ikaw parin ay ginagago, animal parin ang kanyang pagtrato sayo Ngayon ika'y nag tatanong. Bakit ganun? Bakit ganito? Di ka maintindihan ng mga tao sa paligid mo, pero ako'y nandito Ako'y katulad mo pinabayaan ng mundo abutin ang aking kamay at itatakas din kita pero Alam ko rin naman na di kita mapilit pagka't ganito ang itsura ko [Chorus] Ang alamat ng talunan x4 Eh ganito lang talaga, hindi pinalad biyayan ng mukhang nagmula sa paghubog ng kalangitan na mala anghel na nahulog sa mundo Ako'y hamak lamang na nilalang na umaasa sa iyo, na mapansin mo isang kang diyosang naglalakad kasama ng mga tao Tignan mo nga ako? Sa kada pagtingin sa salamin di mapigilan ang sarili dumuwal (fuck!) Gabi-gabi nalang ako'y umiiyak, sinasaktan sarili ko, hawak aking punyal (fuck?) Para lang makar amdam, kahit katiting na pagtingin, ako'y uhaw sa pagmamahal Sa kada silip ng mga matang mapang husga, ako'y nanliliit nawawalan ng halaga Masakit tanggapin, kahit anong gawin, hindi ako ang pipipliin Kahit na anong galing, sa aking sining, (pakshet) di ako ang pipipliin Walang pam-porma, wala ring kotche walang nang pera, wala ring chongke Kaya hinding-hindi kita masisi, kaya hinding-hindi kita mapilit Na sumagot sa aking mensahe, okay lang. Kahit na dyahe Tinanggap ko na lang na di ako ka-akit-akit, nag-desisyon manahimik Isang gabi, ako'y nakatanggap, PM mula sayo ang puso ko'y lumundag Agad nalugmok noong binasa ko na, "hu u?" ang tanong, aba'y putang ina Hindi nga pala ako nagpakilala
8.
[Intro - Ara, Ab, and Fei] "Gusto ko ng bago sa buhay ko" Yan ang madalas kong sinasabi, habang nag bubuntong hininga. Di ko alam kung bakit hindi ako mapakali kahit nakapwesto na ang pasimula. Binubuksan ko parin ang aking bintana. Nag aantay. Habang inaantay din ako ng mga maari kong maiwan. At sa pag silip, ako'y binati ng tagapag dala ng apoy Liwanag na nakaka-akit, inimbita akong umalpas mula sa kastilyong pinag-hirapan kong itaguyod. Masisi mo ba ako? Napakarami kong gusto sabihin sayo, di ko ma-atim na iniwan mo nalang ako Habang nag dudusa, hinintay magkusa hihilom din ako at titigil na mag-luksa Pero bakit ganito? Ano nga ba ang hugis ng pagktao ko sayo? Nasa pedestal ba ako't di tatablan ng panibugho? Sa sinapit ng ating pag-sasamang minahal ko ng todo Alam mo naman na tayong dalawa lang ang tanging mundong tinuturing ko Di ko alam ang gagawin habang gumuguho na lahat Naka piring ang mata at labi habang ikaw lang ang nag sasalita Tumatakbo sa isip ko ang mga landas na nilakbay nating pareho Habang ang puso ko'y takot na takot, ano nga ba pagkatapos nito? Mga yakap at halik napalitan ng malamig na pader Ang lasa ng asukal, lasa na na ng bakal, alam kong sa loob may tumutbong kanser Sa pag tingin sa salamin ay may tanong, ano nga ba ang kailangan kong gawin? Aakuin ko nalang ba? Aaminin ko nalang ba? Na sa huli ako rin may salarin? Bakit di ko kayang magalit sayo? x4 Sa dami ng dahilan, di ko na matandaan kung san nag simula Sa dami ng usapan, di ko na naririnig a ng mga salita Umaapaw na damdamin, kinakapos pa din Marupok na tulay, natatangay ng hangin San ba tayo sumablay? Tinatanong mo din? (Pano ba nang yari 'to?) Tayo'y nag-layag patungo sa karagatan ang gamit sa pag-sasagwan ating mga karanasan Inakala natin na malayo na nararating sa dami ng mga bagyong di tayo napipigilang umabante, sa isa't isa naka-depende nakalimutan na, hindi to permanente Kahit gano katigas, pag hindi nag iisip higpitan mo man ang hawak ay tiyak mahahagip... ng hangin kelangan din naman kasi aminin may pagkukulang ako, at nagkulang ka rin di mabubuo kung tayo'y di nakatingin sa parehong direksyon, at panay pag-pupuna sa isa't isa kahit na may naka-ambang delubyo, na kailangan nating harapin pareho, tayo'y tuminhin sa salamin tanungin mga sarili kung bakit ganito? Kung bakit humantong sa mga puso na durog Kung bakit bumagsak sa kaunting alog? Kung bakit hinintay pa natin tayo'y ma-untog Klaro na ba? Napatawad na kita sarili ko hindi pa Bigyan natin ng oras isa't isa Hulmahin ang mga piyesa bago natin ipagsama Bakit di ko kayang magalit sayo? x4 Wala namang kasi talagang madali na daan Pero lahat ng 'to ay tiyak na may dahilan Kelangan lang imulat ang mata sa katotohanan Malamang sa malamng makikita mo rin ang paraan Ang paraan (Wala namang kasi talagang madali na daan) 4x ----- Maraming kasalanan ang tito mo, iho Pinalalampas nalamang ng Tita Berna mo Tulad ng ganito ganyan, at yung iba pa dyan Kahit pala ang Tita Berna mo, ay mayroong hangganan [Chorus] Sa dinami-dami ng tita sa mundong ito Minahal ko lamang ang Tita Berna mo Iisa lamang ang hiling ng tito mo Ito ay pagbigyan muli ako ng Tita Berna mo Umuwi na sana sya't ako ay tabihan Ako na ang magluluto, maghuhugas ng pinggan (ahh) [Chorus] Sa dinami-dami ng tita sa mundong ito Minahal ko lamang ang Tita Berna mo [Bridge] Sa dinami-dami, sa dinami-dami Ang daming tita sa mundong ito Sa dinami-dami, sa dinami-dami Ang daming, ang dami-dami [Monologue] Berna, mahal na mahal kita San't bumalik ka na sakin At wag na akong iwanan pagkailan pa Sa dinami-dami ng tita sa mundong ito... Minahal ko lamang, minahal ko lamang [Outro] Sa dinami-dami, sa dinami-dami Sa dinami-dami ng tita sa mundo..

credits

released May 31, 2018

All tracks produced by: Serena DC
All tracks arranged by: Calix, Serena DC
Track 3 "Limbo" was written by: Calix, JamySykes
Track 4 "Kildemol" was written by: Calix, BLKD
Additional vocals for Track 8 "Monday (San Na?)" by: AB, Ara, and Fei
"Tita Berna" was written by: Bloodtitos
Calix vocals recorded at his house
JamySykes for vocals "Limbo" recorded at his house
BLKD vocals for "Kildemol" recorded at 8-bitfiction's house
"Tita Berna" was recorded at Paolo Arciga's house

license

all rights reserved

tags

about

Calix Taguig, Philippines

contact / help

Contact Calix

Streaming and
Download help

Report this album or account