We’ve updated our Terms of Use to reflect our new entity name and address. You can review the changes here.
We’ve updated our Terms of Use. You can review the changes here.

Puttanesca

from The Breakout Satirist by Calix

/

lyrics

Nakaupo sa sala
Di mo maatim na tinanggal ka na lang nila.
Dalawampung taon ka sakanila nag paka-tanga
Nagpaka-aliping kay haba-haba
Di parin sapat sa tyan mo ang dalang biyaya

Maghapon kang sinisigawan ng iyong asawa
habang dala ang iyong kambal,
wala na raw hapunan,
pumasok sa isip mo ang imahe ng ampunan
ang barubal na imahe ng masukal na kangkungan

Marami kang gusto sa buhay di mo ma-atim
Hanggang nagbago ang kulay ng puso, na kasing itim
ng budhi ng mga amo mong walang konsensya magnakaw
sa kaban bayan, di alin langan ang sikat ng araw

Pero hinde, sabi nila
Sobra sa yaman ang pilipinas
Sabi ni Ted, Sabi ni Noli,
Sobra sa yaman ang pilipinas
Sabi ni Mike, Sabi ni Arnold,
Sobra sa yaman ang pilipinas
Sa Rated K, tinuturo na
sobra sa yaman ng pilipinas

Puttanesca
Naka handa na
Pabobo ng madla
naka naka handa na

Hala
Tignan mo to?
Nasa simbahan ang mga lobo.
Habang suot ang balat, pinaslang na kambing
'kala mo kurdero ng diyos

Tang ina nyo,
Pag masdan nyo
Tunay na kulay ng mga gago
Mga nabubulok na, na ngangamoy na
Inaamag at inuuod

Pero
Bakit nyo binoboto mga katulad nila?
Sino nga ba talaga ang tunay na tanga?
Ilang dekada na ngunit nakaupo parin sila.
Wag ka ng mag tataka kung bat ka nag hihirap?

Saan nga ba patungo?
Kailangan ba talaga na merong saatin mamuno?
Di ba pwede na tayong lahat taga-simuno
ng naidudulot
Imbis tayo'y nakaluhod, kawawang namumulot

Ng tiratira
Mula sakanila, tayo'y tuwang tuwa
pag inaabutan ng konting moolah
Mga alipin ng pera
Nagpapaka alipin para lang makabili ng puttanesca

credits

from The Breakout Satirist, released July 6, 2016

license

all rights reserved

tags

about

Calix Taguig, Philippines

contact / help

Contact Calix

Streaming and
Download help

Report this track or account

If you like Calix, you may also like: