We’ve updated our Terms of Use to reflect our new entity name and address. You can review the changes here.
We’ve updated our Terms of Use. You can review the changes here.

Ahon (ft. WYP)

from The Breakout Satirist by Calix

/
  • Streaming + Download

    Includes high-quality download in MP3, FLAC and more. Paying supporters also get unlimited streaming via the free Bandcamp app.
    Purchasable with gift card

      name your price

     

lyrics

[WYP]
Hindi na natin mababawi ang
ulan ng mga salitang
bumaha, nalulunod na

O giliw ko hindi pa inaaanod ang
ating mga mukhang
di na makilala

Hindi makilala ang isa't isa

Itulak, hilahin
hindi mapigtas
Sinubok sisirin
hindi maligtas

Pahigpit nang pahigpit ang kapit
Habang sumisikip sumisikip
Wala na bang ibang matanaw
Sino ba ang unang bibitaw?
Sino ba ang unang bibitaw?

Ikaw ba ang unang bibitaw
o ako ang unang bibitaw?

[CALIX]
Ang kadenang ibinalot
sa aking bisig
natatakot
manatili
kinikilabot
pinipilit na

Pipiliin ba ang sarili
o ang taong nanatili
sa tabi kahit wala ng pambili ng

pangarap ay nawasak
saril'y napahamak
sa pagibig na dumanak
ang dugo sa talim ng mga balak na

Ayoko man aminin
parte ka na ng sistema
Nating dalawa
Paikot-ikot, walang kawala

Hihilain mo ako
Hihilain din kita
Ngayon nag tatanong ka sakin kung saan ka pupunta

Di ko maisip kung pano tayo nahantong sa gan'to
Pag ibig na akala ko eh mas higit pa sa ginto

Samahang pinaliguan ng luha at pighati
Walang matitira sa giyerang to, pareho lang sawi
Sa talim ng salitang hindi na natin mababawi
Tandaan na ang isa't isa'y hindi natin pagmamayari

[WYP]
Pahigpit nang pahigpit ang kapit
Habang sumisikip sumisikip
Wala na bang ibang matanaw
Sino ba ang unang bibitaw?
Sino ba ang unang bibitaw?

Ikaw ba ang unang bibitaw
o ako ang unang bibitaw?

credits

from The Breakout Satirist, released July 6, 2016
Additional verse by WYP

license

all rights reserved

tags

about

Calix Taguig, Philippines

contact / help

Contact Calix

Streaming and
Download help

Report this track or account

If you like Calix, you may also like: